Friday, April 3, 2020

Lazada, Shopee Balik Na sa Pag-Deliver Para sa Essential Goods

Lazada at Shopee


Ang online shopping website na Lazada at Shopee ay mag-de-deliver na ng mga "Essential Goods" gaya ng pagkain, vitamins, alcohol and sanitizers, at personal care products. Inanunsyo ng Lazada at Shopee ang naturang balita sa kanilang Facebook page.

Ang mga esensyal na produkto or "Essential Goods" ay alcohol at sanitizers, personal care products, vitamins at supplements, baby personal care products, karne, baboy at gula, canned goods, snacks, beverages, household supplies, laundry cleaning equipment, at pet care essentials.

Ngunit hanggang ngayon ay suspendido parin ang "cash on delivery" na opsyon sa pag bayad ng kanilang produkto. Kailangan mo magbayad gamit ang LazWallet o ShopeePay, upang makabayad.

Matatandaang sinuspinde ng Lazada at Shopee ang kanilang operasyon nung unang Linngo ng Metro Manila COVID-19 lockdown.